Monday, January 12, 2009

Hobbies


Mahilig talaga ako sumali sa contest. Minsan nung sumali ako para sa Yoshinoya Gyudon Eating Contest (March 2007), nag-ask yung sister ng girlfriend ko. At anong naitanong niya? Ask niya, "Bakit siya sumasali sa mga contest na iyan?"

Meron pa isang nag-react: "Kaya mo ba kumain ng ganyan karami? Paano kung may mangyari sa iyo?"

Haay, haay. Sa hirap ng buhay ngayon, lahat ng diskarte, kakayanin mo. Sa ibang tao, siguro weird ang pagsali sa mga contest. Sa iba, mahirap ito gawin, nakaka-pressure, maliit chance manalo.

Pero sa akin, mas weird ang aasa ka na lang sa lotto, or sa raffle. Siguro naman mas-maliit ang chance mo manalo diyan kasi ang panalo mo ay totoong chance lang. Kung sa contest, at least may chance ka manalo kung pinaghirapan mo ng todo ang entry mo.

Para sa akin mas-importante ang sariling sikap kaysa swerte lang.

Sana mas-marami pang organization at mga company ang mag-sponsor ng contest kaysa sa raffle. Dapat i-encourage nila na mas-importante ang tiyaga kaysa tsamba.

0 comments:

Post a Comment