Sunday, March 6, 2011

Ako, Mapanghingi Nga Ba?


Mapanghingi Nga Ba Ako?

Tuwing umaga, ako ay babangon. Bago tuluyang makaalis sa kama, minsan inisip ko na gusto ko pa matulog ng mas-mahaba.


Pero kailangan na bumangon. Kailangan ko pumasok ng maaga para magtrabaho. Dapat lang... Gusto ko maging malaya. Ayoko sana umasa sa pera ng iba.

Pagpasok sa trabaho... ang hirap naman! Ang trapik sa EDSA! Sana di ako ma-late. Ayoko pa naman humingi ng paumanhin sa boss ko.

Pagdating ng lunch... Salamat at break time na! Bibili na ako sa canteen. Meron naman akong pambili mula sa sweldo ko. Hindi ako pulubi at hinding-hindi ako hihingi ng pagkain sa iba.

Pagakatpos ng lunch, trabaho ulit.

At sa pag-uwi mula sa office, sasakay na ako ng taxi para mabilis. Ok lang yun, kaya naman ng budget ko, ayoko mahuli sa paborito kong palabas sa TV. Wala akong balak makisakay sa iba.

Kung iisipin, parang nakakahiya humingi. Hindi ba nagsusumikap tayo para hindi tayo humingi sa iba? Nagtatratabho tayo, nagsisipag, nagpapakahirap.

Kaya lang... saan nanggaling ang ating

magandang trabaho,

masarap na pagkain,

kalusugan,

pamilya at kaibigan


???

Di ba minsan humingi tayo sa Kanya?

Kung hindi sa biyaya ng Maykapal, wala tayong matatanggap.

"Kaya sinasabi ko sa inyo: Humingi kayo, at kayo'y bibigyan; Humanap kayo at kayo'y makasusumpong; Kumatok kayo at ang pinto'y bubuksan para sa inyo.

Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi; nakasusumpong ang bawat humahanap; at bubuksan ang pinto sa bawat kumakatok."

- mula sa Bibliya Lucas 11:9

Kaya, hindi masama humingi. Hindi nakakahiyang sabihin na umaasa pa tayo na makakuha ng mas-maganda. Humihingi tayo dahil kailangan natin Siya.

Aaminin ko, mapanghingi nga ako. Kayo mapanghingi rin ba?


Ang blog post na ito ay isinali ko sa contest ng Mapanghingi Ka Ba? Para sa karagdagan na kaalaman tungkol dito, maari lamang bumisita sa kanyang contest page. Deadline nito ay hatinggabi ng Marso 7, 2011.

blog comments powered by Disqus